Cobra Pose (Sanskrit: Bhujangasana)

Jayameena in Bhujangasana at Sarangani Highlands overlooking Sarangani Bay, General Santos City, March 2013. Photo by Nica Panes.

Jayameena in Bhujangasana at Sarangani Highlands overlooking Sarangani Bay, General Santos City, March 2013. Photo by Nica Panes.

Kabilang ang ahas sa mga kinatatakutan kong hayop dahil sa kamandag nito at panlilisik. Daang libong taon na ang nakalipas, nadiskubre ng mga mongheng nananahanan sa kweba ng Bundok Himalayas ang sekreto sa kalakasan ng mga ahas. Ito ang kanilang backbone o spinal column na may direktang ugnay sa utak. Masarap sa pakiramdam ang pag-angkin sa kalakasang ito kaya ang Bhujangasana ay naging  isa mga paborito kong asana (yoga exercise).

Mga Benepisyo

  1. Pinapalakas ang spinal chord at abdomen
  2. Binubuksan ang lungs para sa mas malalim na paghinga
  3. Tinatanggal ang stress sa dibdib at balikat
  4. Panlaban sa sciatica, asthma, diabetes, pagkahapo at sakit sa pagtatae
  5. Pinapagana ang kundalini (enerhiya mula sa dulo ng spinal chord)

Paano Gawin

  1. Ang unang posisyon ay nakadapa.
  2. Itapat ang mga kamay sa tagiliran katapat ng dibdib.
  3. Kailangang naka-spread ang mga daliri upang magiging balanse ang pagbuhat ng katawan.
  4. Inhale. Gamit ang core o kalamnan sa tiyan, mag-inhale at umangat habang tinutulak ang dibdib at pinapagana ang backbone.
  5. I-align at gawing straight ang braso hangga’t kaya.
  6. Manataling nakastretch ng 8-20 segundo.
  7. Exhale. Pakawalan ang pose nang dahan-dahan pababa.
  8. Maaaring ulitin ang proseso ng apat na beses.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s