Fish Pose (Sanskrit: Matsyasana)

Jayameena in Fish Pose at Puerto Galera, Mindoro, May 2012. Photo by Gold Villar.

Jayameena in Fish Pose at Puerto Galera, Mindoro, May 2012. Photo by Gold Villar.

Masarap gawin ang pose na ito bilang pambalanse sa Shoulder Stand (Sarvangasana), Plough (Halasana) at Bridge (Setu Bandha Sarvangasana). Sinasabing kapag ginawa ang pose na ito sa tubig, maaari kang lumutang gaya ng isda. Hindi ko pa ito nasubukan dahil hindi pa ako kampante bagamat komportable ako kahit mahirap gawin nang naka-Lotus (Padmasana). Maraming variation upang magawa ito batay sa kakayanan ng katawan ng iba’t ibang indibidwal. Maaaring nakalapag lamang nang straight ang mga hita o kaya ay nakataas. Ang kamay ay maaari ding itutok sa langit. Nakadiin ang pose sa rib cage, leeg, likod, thyroid at parathyroid gland.

Mga Benepisyo

  1. Pagsasanay ng malalim na paghinga.
  2. Pampabilis ng metabolism.
  3. Pagtanggal ng tensyon sa leeg at balikat.

Paano Gawin

  1. Mula sa Lotus pose, hawakan ang magkabilang sakong at dahan-dahang humiga.
  2. Inhale. Sa suporta ng siko, i-arko ang likod.
  3. Itukod ang itaas na bahagi ng ulo habang nanatiling nakadiin ang bigat sa siko.
  4. Manatili sa posisyong ito ng 20-30 segundo o kalahating oras na ginugol sa counter-pose.
  5. Exhale. Dahan-dahang buhatin ang ulo at magrelaks saka irelaks ang braso.
  6. Kung kaya na ng katawan, maaaring nakapwesto ang kamay sa dibdib at gamitin ang core sa pagbuhat ng pang-itaas na bahagi ng katawan.

Note: Mainam magyoga kasama ng guro upang may magmasid ng balanse ng katawan at tamang alignment upang makaiwas sa disgrasya.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s