Eagle Pose (Sanskrit: Garudasana)

Jayameena in Eagle Pose at Morong Beach, Bataan, May 2010. Photo by Kathryn Manga

Jayameena in Eagle Pose at Morong Beach, Bataan, May 2010. Photo by Kathryn Manga

Nakahanay ang pose na ito sa mga ehersisyong pambalanse at pagsasanay ng pokus. Sa unang tingin, mukhang komplikado at mahirap gawin ang pose na ito na hango kay Garuda, isang mitolohikal na hari ng mga ibon sa paniniwalang Hindu at Buddhismo. Si Garuda ang kilalang sasakyang panghipapawid ni Vishnu at iba pang diyos. Siya rin ang nakaukit sa bandila ng Indonesia.

Mga Benepisyo

  1. Panlaban sa sakit sa tiyan, problema sa pagtae, asthma at sciatica.
  2. Pampalakas ng braso, paa, tuhod at bukong-bukong.
  3. Sirkulasyon ng dugo sa lahat ng kasukasuan.
  4. Pleksibilidad ng baywang.

Paano Gawin

  1. Mula sa nakatayong posisyon (Tadasana), tupiin ang tuhod.
  2. Ilagay ang bigat ng katawan sa kanang paa habang hinahatid ang kaliwang paa papulupot dito.
  3. Samantala, ganun din ang gawin sa kamay.
  4. Itaas ang nakapulupot na kamay hangga’t kaya.
  5. Manatili sa posisyon 15-30 segundo.
  6. Ulitin sa kabilang paa at kamay.
  7. Maaaring gawin ang pose ng apat na beses.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s