Lord of Dance Pose (Natarajasana)

Jayameena in Natarajasana at Anawangin Cove, Zambales, December 2010. Photo by Rj Mendoza.

Jayameena in Natarajasana at Anawangin Cove, Zambales, December 2010. Photo by Rj Mendoza.

Ilang taon ko na ring nilalayong maperpekto ang pose na ito ngunit sadyang mahirap ang pag-stretch ng hita sa likod. Bagamat sa araw-araw na praktis ay asahang umunlad ang pleksibilidad ng katawan, pagluwag ng tensyonadong bahagi at pagiging komportable sa paglikha ng balanse. Alay kay Shiva ang pose na ito. Ang diyos sa paniniwalang Hindu ay kilala rin bilang Nataraj o hari ng sayaw na nagtataglay ng makapangyarihang enerhiya.

Mga Benepisyo

  1. Pag-unlad ng kakayahan sa konsentrasyon at pagbalanse.
  2. Pampalakas ng hita, baywang, balikat at likod.
  3. Niluluwagan ang dibdib at baga.
  4. Pagsasanay sa malalim na paghinga.
  5. Pinapaunlad ang core.
  6. Panlaban sa sakit ng likod, hita at baywang.

Paano Gawin

  1. Mula sa nakatayong posisyon (Tadasana), ilipat ang bigat ng katawan sa kanang paa.
  2. Inhale.
  3. Tupiin ang kaliwang hita at dalhin sa likod habang inaabot ng kaliwang kamay ang daliri ng paa.
  4. I-stretch ang kanang kamay sa harap.
  5. I-stretch ang hita hanggang sa kung saan kaya. Kung maaari, ito ay palampasin sa ulo.
  6. Manatili sa posisyon ng 8-15 segundo.
  7. Gawin ang proseso sa kabilang paa.
  8. Maaaring ulitin ng apat na beses.

Note: Mainam magyoga kasama ng guro upang may magmasid ng balanse ng katawan at tamang alignment nang makaiwas sa disgrasya.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s