Ananda Marga Philippines Summer Ananda Sammelana 2012

Ginanap ang Ananda Marga Philippines Summer Regional Ananda Sammelana sa sentro nito sa Ananda Kuranga, Brgy. Wakat, Nagcarlan, Laguna noong Abril 5-8, 2012 sa temang “Kiirtana to Heal the World”.

Sa pakikipagtulungan ng Samaharlika at Prama Wellness, tampok sa kampuhang pagtitipon ang asanas, kiirtana, sadhana, svadhyaya, mga disuksyon hinggil sa Spirituality in our New Changing World ni Ac. Caetanyananda Avt.; History of Yoga ni Ac. Shankarsananda Avt.; Mysticism – Permanent and Impermanent by Ac. Dharmavedananda Avt. at ang mga Kwento ni Baba. Nagkaroon din ng eleksyon ng mga opisyales, binyag ng isang sanggol, palaro at pangkulturang pagtatanghal.

Ang Asana (Sanskrit: posture) ay tumutukoy sa iba’t ibang posture na isinasagawa upang magbigay ng pisikal at mental na balanse at kaginhawaan para sa indibidwal.

breakfast of mango, watermelon, papaya, sweet potato, bread, rice cake and buko salad

Ang Kiirtana (chanting dance) ay ang pag-awit ng mantrang Baba Nam Kevalam habang hinahanda ang sarili sa meditasyon.

baptismal bath tub

Ang Sadhana (self-realization) ay alinmang sariling praktis ng pagpapalalim ng buhay-espiritwal at pangingibabaw ng ego at pansariling nais. Maaari itong gawin ng indibidwal o grupo sa pamamagitan ng dasal, aksyon o perspektiba. Ang meditasyon ay mabisang gawin sa tinatawag na magic hour o ambrosial hour: dalawa at kalahating oras bago sumikat ang araw kung saan ang araw ay kasalukuyang nasa anggulong 60 degree.

Svadhyaya (self-reflection) ay ang pagsipat at pagpapalalim sa pag-unawa ng sarili upang mapaunlad ang pag-uugali o aktitud.

Evolution Asia Yoga Conference 2012

Nito ko lamang nalaman. Mayroon palang Evolution Asia Conference na gaganapin sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre  (South Wing/ Phase 1/ Old Wing) 1 Expo Drive, Wanchai District, Hong Kong ngayong June 7 -10, 2012.

Ang Evolution Asia Yoga Conference ay taunang kumperensya sa Asya hinggil sa yoga at ang iba’t ibang tradisyon nito sa Silangan at Kanluran. Bagamat may bayad ang ilang espesyal na klase at aktibidad (mahigit-kumulang 500 USD), bukas naman sa publiko ang ilang tampok ng kumperensya gaya ng eksibisyon, mga klaseng pangkomunidad at mga klaseng pangbata.

Lord of Dance Pose (Natarajasana)

Jayameena in Natarajasana at Anawangin Cove, Zambales, December 2010. Photo by Rj Mendoza.

Jayameena in Natarajasana at Anawangin Cove, Zambales, December 2010. Photo by Rj Mendoza.

Ilang taon ko na ring nilalayong maperpekto ang pose na ito ngunit sadyang mahirap ang pag-stretch ng hita sa likod. Bagamat sa araw-araw na praktis ay asahang umunlad ang pleksibilidad ng katawan, pagluwag ng tensyonadong bahagi at pagiging komportable sa paglikha ng balanse. Alay kay Shiva ang pose na ito. Ang diyos sa paniniwalang Hindu ay kilala rin bilang Nataraj o hari ng sayaw na nagtataglay ng makapangyarihang enerhiya.

Mga Benepisyo

  1. Pag-unlad ng kakayahan sa konsentrasyon at pagbalanse.
  2. Pampalakas ng hita, baywang, balikat at likod.
  3. Niluluwagan ang dibdib at baga.
  4. Pagsasanay sa malalim na paghinga.
  5. Pinapaunlad ang core.
  6. Panlaban sa sakit ng likod, hita at baywang.

Paano Gawin

  1. Mula sa nakatayong posisyon (Tadasana), ilipat ang bigat ng katawan sa kanang paa.
  2. Inhale.
  3. Tupiin ang kaliwang hita at dalhin sa likod habang inaabot ng kaliwang kamay ang daliri ng paa.
  4. I-stretch ang kanang kamay sa harap.
  5. I-stretch ang hita hanggang sa kung saan kaya. Kung maaari, ito ay palampasin sa ulo.
  6. Manatili sa posisyon ng 8-15 segundo.
  7. Gawin ang proseso sa kabilang paa.
  8. Maaaring ulitin ng apat na beses.

Note: Mainam magyoga kasama ng guro upang may magmasid ng balanse ng katawan at tamang alignment nang makaiwas sa disgrasya.

 

 

Tree Pose (Sanskrit: Vrksasana)

Jayameena in Tree Pose at Anawangin, Zambales. Photo by Rj Mendoza.

Jayameena in Tree Pose at Anawangin, Zambales. Photo by Rj Mendoza.

Sa pose na ito, sinasanay ang pagkaroon ng balanse at pokus ng sarili sa pamamagitan ng pagtindig nang matatag gaya ng angking tayog ng isang puno.

Mga Benepisyo

  1. Pagsaayos ng posture ng ulo, likod at baywang.
  2. Pampalakas ng binti, likod at bukong-bukong.
  3. Higit na pleksilidad ng baywang
  4. Pagpapagana ng thorax para sa mas malalim na paghinga.
  5. Panlaban sa sakit sa likod at paghinga.

Paano Gawin

  1. Mula sa pagkatindig (Tadasana), ilipat ang bigat ng kaatwan sa kanang paa.
  2. Tupiin ang kaliwang paa at itutok ang tuhod sa lupa habang nakalagay ang kamay sa dibdib o sa lampas ng ulo at sa bandang likod ng taenga.
  3. Manatili sa posisyon ng 20-60 segundo.
  4. Gawin ang proseso nang nakatindig sa kaliwang paa.
  5. Maaari itong ulitin nang apat na beses.

Yoga Teacher’s Training sa Ananda Marga

Para sa mga yogi at yogini at sa lahat ng mga interesadong mag-aral paano magturo ng yoga, maglulunsad ang Ananda Marga Philippines ng pagsasanay mula Hulyo 7 – Disyembre 8, 2012 na gaganapin sa yoga center nito sa 46 Maamo Street, Sikatuna, Quezon City.

Ang Ananda Marga ay isang charitable not-for-profit na organisasyon. Mula 1967, naglunsad na ito ng mga regular na klase sa yoga asanas, yogic treatment, relaxation at meditation sang-ayon sa sistemang Tantra Yoga na kilala bilang pinakamatandang tipo ng yoga.

Ang klase ay 3 times a week / 2 week nights (6:30 pm to 8:00pm ) and Saturdays 8:00 am – 3pm.

Ang training ay binubuo ng:

1. Yoga Philosophy and History

2. Asanas (Yoga Postures) Practice and Training

3. Yoga Anatomy and Physiology

4. Teaching Methodology

Para sa iba pang detalye, tumawag sa (+63)7039014 o 09128091320.

Tingnan din ang Ananda Marga Facebook Page at Ananda Marga Philippines @ Facebook para sa updates.

Vegan Dinner at Pipino

Image

Ang aming order: vegan kare-kare, watermelon steak, taro chips, vegan lasagna at vegan bago-ong. Larawan ni Janice Lozada.

Matapos ang isa at kalahating oras ng paghihintay matapos ang isa at kalahating oras ng klase sa yoga, takam na takam na ako. Buti na lang nagyaya uli ang mga kaklase ko sa Ananda Marga Yoga Center. At nagsadya kami sa Pipino Vegetarian Restaurant.

Image

All time favorite: vegan kare-kare sa Pipino. Larawan ni Janice Lozada.

Pipino Vegetarian Food by Pino ay matatagpuan sa 39 Malingap Street, Teacher’s Village, Quezon City, Philippines. Contact 4411773 / pipinovegetarian@gmail.com / Delivery hotline 212121212

Image

Unang subok: watermelon steak sa Pipino Restaurant. Larawan ni Janice Lozada.

Yoga ayon sa UP Diksiyonaryo

Three-Legged Downward Facing Dog Pose in Bent-Knee variation (Tri Pada Adho Mukha Svanasana) with the majestic Bomod-ok Falls in Sagada, Mountain Province, Cordillera Region, Philippines. April 2012. Larawan ni Isadore Lerio.

YOGA png [Hindi/Sanskrit]

1: pagsasama ng sarili sa pinakamakapangyarihang nilalang
2: alinman sa mga pamamaraan o disiplina na naaabot ang pagsasamang ito
3: paaralan ng pilosopiyang Hindu na nagtataguyod at nagbibigay ng daan sa pisikal at mental na mga disiplina upang maabot ang pagsasamang ito.

– UP Diksiyonaryong Filipino 2010, Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas